276

Pagkakaisa para sa kapayapaan, wish ni GMA ngayong Pasko

Maagang bumati si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ngayong Pasko.

Sa kanyang mensahe, hangad nito ang pagkakaisa para makamit ang kapayapaan.

Wish din ni GMA na mapuno ng pagmamahal at kaligayahan ang bawat tahanan sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus.

Gayundin, na bumuhos ang biyaya at maging makabuluhan ang Pasko ng bawat isa.

“May the spirit of the Christmas lift our desire to be of service to others and unite us towards the attainment of peace and happiness. Let the holidays fill your home with love and joy. Have a blessed and meaningful Christmas,” pahayag ni Speaker Arroyo. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?