346

Feb 4, 2019 @ 18:58
By

Pagkakaibigan ng PH-China hatid ay pagkakaisa – Duterte

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng Chinese New Year.

Sa ipinalabas na mensahe ng Pangulo, inihayag nitong hindi lamang kasaganaan at paglago ng ekonomiya ang hatid ng pagkakaibigan at kooperasyon ng Pilipinas at China kundi pagkakaisa sa kabila ng magkaibang kultura

Hangad ng Pangulo na magsilbing inspirasyon at pag-asa sa Chinese-Filipino community at sa buong bansa ang hatid ng bagong taon.

“I join the Chinese-Filipino Community in celebrating the Lunar New Year. The friendship and cooperation forged between the Philippines and China have not only led to greater prosperity and economic growth for both our nations, but also gave rise to a unique culture that is nurtured by harmony amidst diversity,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng dalawang bansa ay lalo pang mapapaigting ang pagpapahalaga sa mga adhikain para sa kapayapaan at pagkakaunawaan sa gitna ng mga kinakaharap na hamon ng dalawang bansa.

“Together, let us cultivate the values and ideals that fuel our strong resolve to usher in a period of greater peace and understanding as we rise higher above the challenges ahead. A happy Chinese New Year to all!” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?