214

Dec 28, 2017 @ 19:47

Pagkakaiba ng P1, bagong P5 pinaliwanag ng BSP

Inilatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagkakaiba sa pagitan ng lumang P1 at ang bagong P5 para maiwasan ang pagkalito dito ng publiko.

Paliwanag ng BSP, ang bagong P5 ay mas makapal at mas mabigat kumpara sa P1, subalit magkakapareho naman ito sa hugis at kulay.

“The P5 coin is heavier. It is 7.4 grams. It is thicker, 25 millimeters in diameter, and slightly larger than the P1 coin. Moreover the P5 coin sides are smooth while the P1 coin has ridges,” BSP managing director for currency management Carlyn Pangilinan.

Ang mukha ni Andres Bonifacio at ang imahe ng tayabak plant ay ang mga obvious na pagkakaiba ng bagong P5 sa P1.

Paliwanag ni Pangilinan ang P5 coin ay binago ang design bilang pagkilala sa birth anniversary ni Bonifacio.

“It is also to address greater coin demands during the Christmas season,” sabi pa ni Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?