95

Aug 4, 2021 @ 13:50
By

Pagkakahawig kay Junnie Boy, apbrub kay Obiena

Bagamat hindi nakakuha ng medalya sa Olympics, tumatak pa rin si EJ Obiena sa sambayanan, lalo na sa mga sumusubaybay sa sikat na vlogger na si Junnie Boy.

Hindi nakaligtas sa mata ng mga netizen ang pagkakahawig ni Obiena kay Junnie Boy, na may mahigit 4.06 milyon YouTube subscribers.

At nitong Miyerkoles sa isang press conference, sinabi ng pole vaulter na maging siya ay napansin na rin ang pagkakahawig nila ng vlogger.

“Nakita ko ‘yun eh. Medyo kamukha ko nga. Nagulat ako,” wika ni Obiena.

Maging si Junnie Boy ay sinakyan na rin ang trip ng mga netizen.

“Pag tapos nitong Olympics may ikwekwento ako sa inyo tungkol sa dalawang bansa na nakalaban ko,” saad ng vlogger kamakailan.

Nagtapos si Obiena sa ika-11 pwesto sa pole vault finals nitong Martes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?