21

Oct 9, 2020 @ 17:02
By

Pagkait ng 13th month pay pinalagan ng mga senador

Kinontra ng dalawang senador ang ideyang pagpapaliban ng pagbibigay ng 13th month pay ngayong taong ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Senador Koko Pimentel, mas matindi ang hinagpis ng mga mangggagawa kesa kanilang mga employer kaya hindi siya pabor sa pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na payagan ang mga kumpanya na ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay ngayong 2020.

“13th-month pay is really ‘salary’ under current laws. It is just called 13th-month pay. Hence it must be paid. Employees are ‘more distressed’ compared to their ‘capital providing’ employers,” reaksiyon ni Pimentel.

“Hence, the employees’ interests and needs must NOT be sacrificed at all or in any way. Ibang sector ang mag-sacrifice,” sambit pa nito.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, ang pag-enable sa batas para sa paglabas ng 13th month pay ay hindi pinapayagan na magkaroon ng exemption.

Ang tinutukoy nito ay ang Presidential Decree No. 851 na nag-oobliga sa mga kumpanya na magbigay ng 13th month pay sa kanilang mga manggagawa.

Ang bonus na ito ay binibigay sa katapusan ng taon bukod pa sa year-end bonus.

“It covers all employers, except those already paying its equivalent. It is only in its IRR [implementing rules and regulations] where you find exemptions for compliance for distressed employers,” sabi ni Drilon sa isang statement.

“While it is true that the IRR states that distressed employers are exempted from paying 13th-month pay to its employees, this IRR is questionable as going beyond the law. And, the exemption must be per enterprise, and not a general exemption,” dagdag pa nito.

Nanawagan naman si Senador Joel Villanueva sa DOLE na tipunin ang tripartite council para pag-usapan ang panukalang pagpapaliban sa 13th month pay.

Sabi ni Villanueva, chairman ng Senate labor committee, dapat simulan na ng DOLE ang konsultasyon sa mga stakeholder para magkaroon ng malinaw at rasonableng solusyon.

“This is a serious concern for both our workers and employers, and there must be sufficient consultation to ensure that any policy to be adopted will be acceptable to all parties,” ani Villanueva.

“We understand the positions of our employers, especially [Micro, Small and Medium Enterprises], who are trying to keep their operations going, and of our workers who are in dire need of assistance,” dagdag pa nito.

“Gusto po natin makabuo ng win-win solution para sa mga manggagawa at employer sa pamamagitan ng konsultasyon (We want to come up with a win-win solution for workers and employers through consultation),” ayo pa kay Villanueva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?