454

By

Pagkaing Pinoy, swak sa panlasa ni Steph Curry

Sharing is caring!

Nakatikim ng sarap ng Filipino si Stephen Curry nitong Biyernes lamang sa kanyang press conference ng Under Armor Asia Tour sa BGC.

Ito ay ang masarap na halo-halo.

Bago magsimula ang programa, binigyan ang two-time NBA Most Valuable Player ng halo-halo na may ube ice cream at pinatikim ito sa kanya.

“I have a sweet tooth,” sabi ni “Chef Curry” na tila nagustuhan naman ang kanyang kinain na pang-himagas.

Pangalawang beses nang bumisita si Curry sa Pilipinas at nagpasalamat siya sa mga Pinoy mula rin sa iba’t-ibang panig ng mundo na walang-sawang sumusuporta sa kanya.

“I just appreciate the support on social media, in and around the Bay Area, there is so much love and support for me and my family from the fans here in the Philippines. I appreciate that sincerely. That is why I look forward to coming back here. Hopefully, it continues,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?