315
pagkain-expired
By

Pagkaing expired na, pwede pa bang kainin?

Sharing is caring!

Okay pa bang kainin ang mga paboritong pagkain na may expiration dates? Tulad ng chocolates, de-lata at iba pa. Madalas nating nakikita ang “expiration date”, “consumed by”, at “best before” sa pagkain ngunit maaari pa kayang makain ang mga ito?

Ayon sa pag-aaral ng Food and Drug Administration (FDA), mayroong kautusan na nagsasabing expiration date ang dapat gamitin ng mga food manufacturer sa halip na “best before” upang masiguro ang kaligtasan ng mga konsumer.

Hindi kasi tahasang sinasabing bawal na ang pagkain kapag lumagpas ito ng “best before” date hindi katulad kung ang pagkain ay expired na, hindi na aniya ito maaaring ikonsumo.

Dapat ginagamit ang expiration date sa isang produkto na madaling masira o high-risk food products dahil lubos na itong nakakasama sa katawan.

May iba rin naman daw na gumagamit ng “best before” pero dapat ay nilalagay lamang ito sa mga klase ng produkto na hindi madaling masira tulad ng kendi o biskwit dahil ito ay “microbiologically stable”.

Kapag lumagpas na ang pagkain sa itinakdang “best before” date ay bumababa na ang kalidad nito, halimbawa’y pagkunat at pagtutubig.

Anumang lumagpas na sa “expiration date” ay maaari nang makasira sa tiyan at wala nang palugit pa ang mga pagkaing lumagpas na sa expiration date dahil hindi na ito ligtas ayon sa pag-aaral.

Kaya naman, i-check maigi ang mga foods upang matiyak kung safe pa ba itong kainin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?