712

Jan 2, 2018 @ 14:49
By

Pagkaing dapat iwasan ng taong madalas umihi

Alam n’yo bang posibleng galing sa mga partikular na pagkain at inumin ang dahilan kung bakit madalas na ma-ihi ang isang tao?

Nangunguna sa listahan ng mga dapat iwasan para lang sa mga taong madalas ma-ihi ay ang oranges, grapefruit at pineapple dahil sa citrus at acids na meron ang mga ito.

Ngunit nilinaw ng mga food experts na dapat pa rin siyempreng kumain ng mga prutas gaya ng mga nabanggit na orange, grapefruit at pineapple dahil sa mga bitamina at fibers na nakukuha sa mga ito.

Mainam na substitute sa mga ito ay mga non-acidic whole fruits gaya ng saging, mansanas, peras at berries.

Iwasan din ang pagkain ng mga tsokolateng mataas sa caffeine na siyang nakaka-irritate ng bladder o pantog.

Kung ‘di naman mapigilan ang nakakatakam na chocolate, mas piliin na lang ang pagkain ng dark chocolate na mataas sa cocoa.

Ilan pa sa mga dapat iwasan ay ang mga maaanghang na pagkain gaya ng hot sauce, chili peppers at wasabi. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?