253

By

Pagkain ng instant noodles, nakamamatay daw?

Sharing is caring!

Malaki po ang pagkakaiba ng pagkain ng orihinal na nilutong pansit canton sa instant noodles. Una na rito ay ang lasa. Lasang-lasa natin ang mga sangkap ng orihinal na gulay, ginisang bawang, sibuyas at kamatis at ang sabaw ng pinakuluang manok o baboy.

Samantalang sa instant ay kunwaring katas lamang na tinadtad na sangkatutak na powder na pampalasa na mula umano sa bawang, sibuyas, luya, kamatis at iba pa at siyempre hindi mawawala ang ‘vetsin’.

Alam n’yo bang tunay na nakasasama sa katawan ng tao o maging sa hayop ang ‘vetsin’ o sodium bicarbonate. Unti-unti kasing sinisira ng ‘vetsin’ ang ating mga kalamnan at numinipis naman ang ating mga litid kaya kadalasang nawawalan ng ganang kumain ang kabataan dahil sa labis na asin mula sa ‘vetsin’ ang kanilang nakakain.

Higit pa rito, ang instant noodles ay nakakataba, nakaka-high blood at nakaka-diabetes!

Kaya naman, alamin natin ang tunay na naidudulot ng pagkain ng instant noodles sa ating kalusugan:

1. Maraming saturated fat at trans fats ang instant noodles. Posible na makapagpataas ito ng cholesterol na maaaring magdulot ng sakit sa puso at type 2 diabetes.
2. Nakakataba rin ang pagkain ng puro instant noodles. Puno ito ng carbohydrates at kulang sa protina at sustansiya.
3. May isang pag-aaral sa South Korea na nakitang ang mga babaeng kumakain ng instant noodles ay mas mataas ang risk na magkaroon ng diabetes, stroke at heart disease.
4. Mataas sa fat at sodium (asin) content ang mga instant noodles at pansit canton. Ang isang pakete ng pansit canton ay nagtataglay ng 600-900 mg ng sodium. Mataas ito dahil ang recommended na sodium na dapat makain sa isang araw ay 1500 mg sodium.
5. Batay naman sa pag-aaral ng Harvard School of Public Health sa Boston, ang pagkain ng instant noodles ng at least dalawang beses sa isang linggo ay nakakapagpataas ng risk ng metabolic changes na nagdudulot ng sakit sa puso at stroke.
6. Ayon din sa pag-aaral ng isang gastrointestinal specialist sa Massachusetts General Hospital, nahihirapan ang katawan natin na i-digest o gilingin ang mga instant noodles. Matagal bago ma-digest ng ating bituka ang instant noodles.

Kaya sa madaling salita, bawas-bawasan ang pagkain ng instant noodles, lalo na at kausuhan ngayon ng mga maaanghang na noodles… sarap yatang mag-challenge game niyan. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?