31
manny-pacquiao2
By

Pagkaangas ibabalik ni Pacquiao sa lona

Sharing is caring!

Bilis at lakas.
Ito ang dalawang importanteng aspeto ng kondisyon na nais tutukan ni Manny Pacquiao sa kanyang gagawing training kontra WBA welterweight kingpin Lucas Matthysse ng Argentina sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Nagsimula na ako ng light workout. Takbo, jogging,” kwento ng 39-anyos na eight-division champion.

Aminado ang ‘Pambansang Kamao’ na delikadong karibal ang 35-taong gulang na knockout artist kaya kailangan umano niyang mag-ensayo nang husto. “You cannot underestimate him. He’s a champion,” pag-amin pa ng fighting senator.

Aniya, kailangan manumbalik ang kanyang bilis, footwork at focus sa ibabaw ng ring dahil natengga siya ng halos isang taon. Huling salang nito sa ruweda Hulyo 2017 nang maagaw ni Jeff Horn ang kanyang WBO 147-pound belt sa sinasabing kontrobersiyal na unanimous decision.

“Focus natin yung speed, yung lakas natin,” litanya pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?