187

By

Pagka-starstruck ni Regine kay Catriona, viral sa socmed

Kahit superstars gaya ni Regine Velasquez ay nai-starstruck din.

Viral sa social media ang video ni Regine kung saan kasama niya sa stage si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Mapapanood sa viral video ang pagka-amaze ng Asia’s Songbird kay Queen Cat habang nagsasalita ang huli sa audience sa Philippine Arena.

Mayroon nang 24,000 shares; 3,000 comments at 22,000 reactions ang nabanggit na pagkatulala ni Regine kay Catriona.

“Ganitong ganito kaming nga babae kapag nakakakita kami ng sobrang gandang babae tapos ang lambing magsalita yung hindi ka naiinsecure maiisip mo nalang tang ina ako babae lang maingay pa hahahahahaha,” sabi ni Ana Teodosia Tumolva Villa.

“Cute ni Ms. Rej dyan. True admiration without jelousy and sobrang proud xa, yan Yung pinapkita Nia,” comment ni Ry Zh Naadat.

“Amaze na amazed si mamang,” sabi naman ni Miles Em.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?