34

Jan 6, 2021 @ 18:47
By

Pagka-hack ng credit card ni Gatchalian sinisiyasat na ng Union Bank

Iniimbestigahan na ng Union Bank of the Philippines ang pagka-hack sa credit card ni Senador Sherwin Gatchalian kung saan umabot sa P1 milyon ang nai-charge rito.

Nakikipag-ugnayan na rin umano sila sa Food Panda at mga awtoridad.

“Food Panda is also undertaking a parallel investigation into the matter and we are committed to working with them and pertinent law enforcement authorities like the PNP (Philippine National Police) and the NBI (National Bureau of Investigation) to bring whoever is behind this incident to justice,” pahayag ng Union Bank.

Nitong Miyerkoles nadiskubre ng senador ang paggamit ng mga hacker sa Union Bank credit card niya kung saan umabot sa kabuuang P1,076,880 ang na-transact sa food delivery.

Binahagi ng senador ang screenshot ng mga transaksyon kung saan makikita ang apat na pagbili gamit ang credit card niya hapon ng Enero 5.

Hindi inaalis ni Gatchalian ang posibilidad na sangkot ay “insider” pero ayon sa Union Bank, “isolated incident” ang nangyari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?