164

Jan 18, 2018 @ 20:48
By

Paging Mayor Erap! Vendors nagkalat pa rin sa Baywalk, Rizal Park

Mistula umanong press release lang ang ipinagmamalaki ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada na hindi na niya pinapayagang magtinda ang maliliit na vendor sa paligid ng Baywalk at Rizal Park.

Sa kabila ng patuloy na ibinibida ng Manila City government na nililinis nila ang lungsod ay patuloy pa rin ang pamamayagpag ng mga vendor sa naturang mga lugar.

Una rito, makailang ulit na raw na tinanggihan ni Erap ang kahilingan ng mga vendor na payagan sila na magtinda sa Baywalk, Rizal Park at iba pang tourist belt sa Maynila.

Matatandaan na noong isang taon ay ilang ulit na raw dumulog ang mga miyembro ng United Vendors Alliance sa tanggapan ng alkalde pero tumanggi itong magbigay ng hawker’s permit sa mga sidewalk vendor sa paligid ng naturang lugar.

Pumalag ang mga vendor sa naturang hakbang ng alkalde dahil mayroon umanong tinitingnan si Estrada dahil kapag bayad sa Manila City government ang isang vendor kahit nakakaabala umano sa mga dumadaan gaya sa Divisoria at Binondo ay pinahihintulutan ng alkalde na magtinda. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?