35
views
ABANTE TNT tagle cardinal black nazarene
By

Pagiging sagrado ng Black Nazarene, ‘wag kalimutan – Cardinal Tagle

Sharing is caring!

Dalawang araw bago ang Pista ng Poong Itim na Nazareno, umapela si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga deboto na huwag kalimutan na gawing sagrado ang paglahok sa Traslacion 2018.

Ayon kay Cardinal Tagle, dapat na gawing makatao, maka-Diyos, makabayan at maka-kalikasan ang paggunita sa isa sa pinakamalaking religious event sa bansa.

Sa pagtaya ng Manila Police District (MPD), inaasahang aabot sa 19 milyon deboto ang lalahok sa mga aktibidad ng traslacion sa Martes, January 9, 2018.

Sinabi ni Tagle na umaasa siya na sa pamamagitan ng prusisyon ay mas mapapalapit ang mga deboto kay Hesus at mas magiging malalim ang kanilang pagkilala sa Tagapagligtas.

Aniya, ang pananampalataya ng mga deboto ay kanilang mapapanindigan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabutihan sa kapwa.

“Sana po maging maka-kalikasan ang ating pagdiriwang. Makatao, Makabuhay, Maka-Diyos, at Makabayan. Magkita-kita po tayo sa darating na kapistahan. Maraming salamat po,” panawagan pa ni Cardinal Tagle.

Kasabay nito, ipinaalala ni Tagle na si Hesus ang daan, katotohanan at buhay.

“Sa taong ito po, ang tema ng pagdiriwang ay ang Poong Hesus Nazareno, siya ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay. Paghandaan po natin ang kaniyang kapistahan. Araw-araw po tumingin tayo kay Hesus. Siya po ang daan patungo sa Ama. Siya po ang Katotohanan na hinahanap-hanap natin. Siya po ang magbibigay ng buhay at muling-pagkabuhay sa atin at sa ating lipunan,” paanyaya pa ni Tagle.

Umapela rin ang kardinal sa mga deboto na ipagdasal na maging maayos at hindi mababahiran ng karahasan at panganib ang gagawing prusisyon sa Martes. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?