84

Jan 15, 2021 @ 20:02
By

Pagiging Pangulo hindi raw pambabae, Angelica may patama kay Duterte

May tugon ang aktres na si Angelica Panganiban sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pambabae ang pagiging presidente dahil magkaiba aniya ang emotional setup ng kababaihan at kalalakihan.

“My daughter is not running. I have told Inday not to run because I pity (her) knowing she will have to go through what I am going through,” anang Pangulo sa mga espekulasyon na susunod sa kanyang yapak sa 2022 ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

“This is not for women. You know, the emotional setup of a woman and a man is totally different. You will become a fool here. So… that is the sad story,” dagdag pa niya.

Sagot ni Angelica: “Dun ako sa acting president na BABAE.”

Mayroon na itong 4K retweets at 56K likes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?