200
ABANTE TNT duterte mas magaling noynoy palasyo
Jan 8, 2018 @ 15:20
By

Pagiging mas magaling ni Duterte kaysa kay Noynoy, walang duda – Palasyo

Pinatunayan lamang ng survey kung ano ang totoo tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ng Malacañang matapos lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na mas maraming mga Pilipino ang naniniwalang mas magaling si Pangulong Rodrigo Duterte kaysa kay dating pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang dudang mas magaling si Pangulong Duterte na nasa tamang direksiyon sa pangangasiwa sa bansa.

“I think the survey proves what we already know as a fact. Incidentally in addition to 70% believe that he is a better President, 86% believe that the President is taking in the right direction, that is again a fact,” ani Roque.

Ang survey ay ginawa ng SWS noong Disyembre 8-16, 2017 kung saan 70% sa mga respondent ang naniniwalang nagtatrabaho si Pangulong Duterte habang 8% ang nagsabi na mas magaling si Aquino, habang 20% ang nagsabing pareho lamang ang performance ng dalawa.

Pumabor kay Pangulong Duterte ang mataas na approval rating sa Metro Manila na 73%, sa Luzon ay 63%, 64% sa Visayas at 86% sa Mindanao.

Pinakamataas namang approval na nakuha ni Aquino sa survey ay mula sa Metro Manila na 10%. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?