31

Feb 11, 2020 @ 14:01
By

Pagiging malambot, makupad ni Slaughter, epektibo sa Ginebra

Malambot para sa mga kritiko si Greg Slaughter, mabagal at malamya.

Pero hindi alam ng nakararami, ang 7-foot center ang No. 4-best scorer ng Ginebra.

Tanging nasa unahan niya sa scoring per game sina Stanley Pringle (17.0), LA Tenorio (11.8) at Japeth Aguilar (14.6).

Silang apat lang, solido na ang starters ni coach Tim Cone.

Noong nakaraang season, nag-average ang Fil-Am giant ng 9.6 points, 6.4 rebounds, 1.0 assist at 0.9 block.

Out si June Mar Fajardo (shin surgery) ng San Miguel Beer, Ginebra na ang consensus na team-to-watch sa Philippine Cup na magpapasimula sa PBA 45th season sa March 8 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ibang teams, si Slaughter na ang numero uno na sakit sa ulo sa gitna.

Dahil sa biglaang announcement ng center, nabago lahat.

Si Aguilar na nasa honeymoon pa, nanibago na sa pagkawala ng kanyang frontline partner.

“(Things) will never be the same,” aniya sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?