49

By

Pagiging kaibigan ni Duterte, ‘di susi para malibre si Imelda sa kaso – Panelo

Sharing is caring!

Hindi magiging tiket ang pagiging magkaibigan nina Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya Marcos para hindi ipatupad ang hatol ng Sandiganbayan kay Congresswoman Imelda Marcos.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na noon pa man ay nilinaw ng Palasyo na hindi nanghihimasok si Pangulong Duterte sa ibang sangay ng gobyerno gaya ng hudikatura kahit pa kaibigan ang sangkot sa kaso.

Ang tangi aniyang magagawa ng Pangulo ay bisitahin si Ginang Marcos kapag natuloy ang pagpapakulong sa kanya ng Sandiganbayan.

Sinabi ni Panelo na mas makabubuting iwasan muna ang mga espekulasyon at hayaan ang korte na gawin ang tungkulin at desisyon lalo na at hindi pa naman pinal ang hatol kay Ginang Marcos.

Ayon kay Panelo, tumutulong ang Pangulo sa sinumang nangangailangan ng kanyang tulong pero kapag batas na aniya ang humatol o nagsabi, wala nang magagawa pa ang Punong ehekutibo.

Si Ginang Marcos ay hinatulan ng Sandiganbayan na guilty sa pitong kaso ng graft na may kinalaman sa 200 milyong dolyar na halaga ng Swiss account.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?