4,289

By

Pagiging bully ni Ang Probinsyano Rep. Delos Santos, pinasingaw ng ka-batchmate

Isang nakakakilala kay Ang Probinsyano Rep. Alfred delos Santos ang nagsiwalat ng pagiging bully nito noon pa.

Sa nag-viral na Facebook post ng isang Emi Ranara, sinabi nitong “old habits die hard” na pinatutungkulan ang gawain ni Delos Santos.

Kuwento pa niya, nakakaligtas sa mga kalokohan ang kongresista dahil sa nanay nito at sa pera.

Ka-batchmate umano niya ito noong high school at personal niyang nakita ang pagiging bully nito at maging siya ay tinakot nito para makuha ang gusto.

Alam umano maging ng mga kaibigan ni Delos Santos na kaibigan niya rin, kung paanong mangtrato ng tao ang kongresista.

Namimili lang din umano ito kung kanino magiging mabait at kung sino-sino ang binu-bully.

Magugunitang nag-viral ang CCTV footage kung saan makikita ang pagsapak ni Delos Santos kay Alejo sa isang restaurant sa Legazpi City, Albay.

“May fault man ang waiter or wala, no one should treat someone like that. And sorry, but I’ll never support whatever group you form because I know who you are,” opinyon ni Ranara sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?