199

Apr 17, 2019 @ 14:29
By

Pagiging bakla, hindi dapat ikahiya – Hilbay kay Duterte

Sumagot si Otso Diretso senatorial bet Florin Hilbay sa banat ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa siyang bading.

Sa inilabas na statement ni Hilbay, sinabi nito na straight na lalaki siya, ngunit saad nito na hindi niya itinuturing na mali ang pagiging bakla.

“For the record, I am straight, but, unlike the President, Agot and I are secure in our relationship and we don’t believe that anybody has to prove their gender and sexuality to anyone,” ayon sa dating solicitor general.

“Unlike the President, Agot and I don’t see being a member of the LGBT community as a mistake or a source of shame,” aniya pa.

Matatandaan na sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Tuguegarao City na mali umano ang Diyos sa paggawa kay Hilbay matapos sabihing bakla ito.

Saad pa ni Hilbay, harapin dapat nito ang mga isyung kinakaharap at ‘wag silang gawing panakip-butas ni Agot para mailihis sa kanila ang bunton ng mga tao.

“Huwag niya kaming gawing panakip-butas ni Agot sa lahat ng kakulangan, kasinungalingan, at karumihan ng kaniyang anak, alalay, at administrasyon,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?