180
Pagiging analyst, ‘di bet ni De Leon
May 30, 2019 @ 17:11
By ,

Pagiging analyst, ‘di bet ni De Leon

Matapos pangunahan ang Ateneo Lady Eagles sa korona ng UAAP Season 81, may bagong pinagkakaabalahan ngayon si Bea de Leon.

Habang hindi pa sigurado si dating Lady Eagle middle blocker kung saan pupunta sa pro-league, sinubukan muna nitong maging game analyst.

Umupo si De Leon bilang analyst sa laban ng PetroGazz Angels at BanKo Perlas Spikers sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Reinforced Conference nitong Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

“Hopefully, I’m looking into it, I’ll see first if it’s really for me or not but it’s good for me to try new things,” wika ni De Leon.

Ito na ang ikatlong analyst stint ni De Leon sa liga mula nang umupo ito nitong nakaraang taon at mukhang nag-eenjoy naman ang UAAP Season 81 Finals MVP.

Aminado si De Leon na mas gugustuhin nito na maglaro sa loob ng court kaysa magsalita.

“I think I’d rather play because this is a very structured and, you know, siyempre sa volleyball kailangan real time. It’s definitely not my comfort zone,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?