114

Aug 9, 2019 @ 20:24
By

Pagigiit ni Duterte sa arbitral ruling sa China, suportado ng mga senador

Tinukuran ng mga senador ang planong pagtalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng soberanya at joint exploration sa West Philippine Seas (WPS) sa pagkikita nila ni Chinese President Xi Jinping ngayong buwang ito.

“I fully support this move to take up the issue with Chinese counterpart. I just hope something positive comes out of it, although if I want to be realistic, between the arbitral ruling and the joint oil exploration, the latter has a better chance to progress when the two leader talks towards the end of this month,” sabi ni Senador Panfilo Lacson sa kanyang text message.

Matatandaan na pinaboran ng Permanent Court of Arbitration noong Hulyo 2016 ang bansa sa isyu ng agawan ng teritoryo pero pansamantalang hindi isinulong ng administrasyong Duterte ang isyu sa China.

Ngayong Agosto ay muling pupunta sa China si Duterte para makipagpulong kay Xi.

“It’s called timing. He probably thinks this is the best time to take it up. It’s all about timing!” sabi naman ni Senate President Vicente Sotto III sa kanyang text message sa mga reporter.

Sinang-ayunan din ito ni Senador Francis Tolentino, “It just shows the dynamics of diplomacy – the timing, the balancing of factors both internal and external should be left to the chief architect of our foreign policy -the President and it just shows that he is really acting for the greater interests of the Filipino nation.”

Si Senador Ronald Dela Rosa naman ay sinabing kasama siya sa gagawing pakikipagpulong ni Duterte kay XI.

“I would like to with him and be a witness on that meeting and listen to what President Xi has to answer.

Ang pagbisita ni Duterte sa China ay panglima na sapul nang maging presidente ito ng bansa noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?