24

By

Paghuhubad nina Dingdong, Rocco, Andre, inaabangan ng mga beki

Inaabangan na ng maraming beki ang Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na “Descendants of the Sun” dahil sa male cast na kasama rito.

Dahil tungkol sa buhay ng mga military men ang kuwento ng DOTS, tiyak na magpapagandahan ng katawan ang mga actor sa naturang teleserye na pinangungunahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Matagal na raw kasing hinahanap-hanap ng mga beki ang lumabas na shirtless si Dong at malamang dito sa DOTS ay mapawi na ang uhaw ng mga nagnanasang beki.

Bukod kay Dong, pinapantasya rin ng mga beks na makitang shirtless at masilayan ang mga abs ng ibang male cast ng DOTS ma sina Rocco Nacino, Andre Paras, Paul Salas, Lucho Ayala, Prince Clemente, Antonio Aquitania at ang bagong Kapuso recruit na si Jon Lucas.

And in fairness, meron din mga beki na gustong makita rin ang matipunong katawan ng veteran actor na si Roi Vinzon.

Dahil sumabak sa sari-saring military training ang male cast with the Armed Forces of the Philippines, tiyak daw na naglalakihan na ang mga muscles at nagtitigasan na ang mga abs ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?