29

By

Paghuhubad ni Jenna Dewan nilait ng mga fan

Sharing is caring!

Sinagot ng ex-wife ni Channing Tatum na si Jenna Dewan ang internet trolls na pinintasan ang kanyang sexy cover para sa Women’s Health magazine na Naked Truth issue.

Pinakita nga ni Jenna ang kanyang alindog sa naturang magazine at wala siyang nakikitang masama o panget sa mga photos na ginamit.

Pinapakita lang ng actress-dancer na kahit isa na siyang ina, patuloy ang pag-alaga niya sa kanyang katawan.

“Apparently, when you become a mother, you’re supposed to leave your sexuality at the door, and I never understood that.

“I think there’s nothing sexier than becoming a mother. You give life. It’s everything. And you don’t change who you are inside just because you have a kid,” sagot pa ni Jenna.

Nakaranas na raw ng kung anu-anong pintas si Jenna simula noong maghiwalay sila ni Channing noong April 2018. May nagsasabing gusto lang niyang hindi siya masapawan ng kanyang mister kaya kahit ang mag-pose na naka-lingerie ay gagawin niya.

Pero para kay Jenna, kahit na may slut-shaming at mom-shaming, patuloy niyang pinaparamdam sa kanyang mga social media account ang empowered feeling niya.

“I really like to feel strong, and I like to feel curvy. And when I say ‘curvy’, I mean ‘muscular’.

“Before, it used to be like, ‘I wanna get long, lean muscles.’ Now, I’m just like, ‘I wanna feel strong and good.’” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?