109

Mar 17, 2018 @ 11:07
By

Paghiwalay sa Philippine Navy, pabor sa Marines

Payag ang liderato ng Philippine Marines na maihiwalay ang kanilang hanay sa Philippine Navy.

Sa harap ito ng inihaing panukalang batas nina Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority leader Rodolfo Fariñas na naglalayong ihiwalay ang Philippine Marines sa Philippine Navy katulad ng Philippine Air Force at Philippine Army.

Sinabi ni Philippine Marines Chief Major General Alvin Parreño, ang pagsang-ayon nila sa panukala ay hindi aniya nangangahulugan na nais nilang maging malaking unit katulad ng Philippine Army o ‘di kaya para makipagkompetensiya sa ibang branch of service.

Aniya, ang hakbang ng dalawang kongresista at pagiging pabor nila rito ay bahagi lamang ng kanilang paghahanda para sa mga pagbabago sa kanilang unit.

“We do not intend to be a big unit like the army, and we don’t intend to compete for resources from any other branch of service. There will be transition and we are still preparing for it,” sabi ni Parreño.

Inihalimbawa naman ni Parreño ang Royal British marines na umaabot sa walong libong miyembro.

Dahil dito hindi aniya malayong mas dumami rin ang kanilang mga miyembro lalo’t sa panahong ito aniya ay kakailanganin pa ng Marines ng ilang batalyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?