29

Nov 16, 2021 @ 15:28
By

Paghirang kay Nograles bilang bagong spox, aprub sa Kamara

Pinaboran ng isang solon ang pagtatalaga kay Secretary Karlo Nograles bilang bagong tagapagsalita ng Malacañang kapalit ni Harry Roque na tatakbo sa pagkasenador.

Sinabi ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin na si Nograles ay may dalang “cool, non-combative” demeanor sa podium ng Palasyo.

“Cabinet Secretary and IATF Co-Chairman (Nograles) is a mostly welcome “breath of fresh air” into our social media news feeds and broadcast content,” sabi ni Garbin sa isang pahayag.

“We look forward to a much better public discourse, improved information dissemination from Malacanang, and hopefully, transparency.”

Inihalintulad din ni Garbin sa malamig na Hanging Amihan ang pagdating ni Nograles.

“Nograles’ cool, non-combative demeanor is most welcome at this crucial phase of the war against COVID and the remaining months of the Duterte administration,” dagdag pa ng solon. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?