129

Oct 27, 2017 @ 16:18

Paghina ng piso, ‘di dapat ikaalarma – Nograles

Nananatili umanong masigla ang ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng pagbagsak ng halaga ng piso na pinakamababa sa nakalipas na 11 taon.

Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles, makikinabang pa nga sa paghina ng piso ang maraming pamilyang Pilipino na tumatanggap ng dollat remmitances, at magpapalakas rin ito sa Business Process Outsourcing (BPO) sector.

“The way our currency is adjusting doesn’t really equate to a weakening economy. Many in the Philippines are dependent on dollar remittances and one of the biggest employers are in the BPO industry so in many ways, this can even be advantageous to them,” sabi ni Nograles.

Naitala sa P51.76 ang pinakahuling palitan ng piso kontra dolyar, ang pinakamababa simula noong July 2006.

Pero positibo ang kongresista sa paglago ng ekonomiya sa ilalim ng pamumuno ni Pang. Duterte.

Patunay anya rito ang 6.5-percent growth sa gross domestic product (GDP) sa second quarter ng 2017.

Sabi ni Nograles, may sapat pang panahon para makabawi ang piso lalo’t magpapasko na tiyak bubuhos ang cash remittances ng overseas Filipino workers (OFWs).

“Our economy is primarily buoyed by OFW remittances, which peak in December or around Christmas time. This influx of foreign cash is like a vitamin serum to the system. It also helps increase GDP by encouraging personal consumption among Filipinos, particularly those with OFW relatives,” paliwanag ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?