8

By

Paghimay sa 2019 budget, uumpisahan na ng Kamara

Sharing is caring!

Sisimulan na bukas ng Kamara ang pagbusisi sa panukalang P3.757-trillion national budget para sa susunod na taon.

Ayon kay House appropriations committee chairman Karlo Nograles, nai-kalendaryo na ang mga pagdinig sa budget proposals ng iba’t ibang ahensya at kagawaran ng gobyerno mula Hulyo 31 hanggang Agosto 29.

Uumpisahan ito sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), ang inter-agency body na tumutukoy sa

overall economic targets, antas ng paggastos at pagkukunan ng mga pondo.

Tiniyak naman ni Nograles na maipapasa ang pambansang pondo sa takdang oras.

“As before, the House of Representatives is always prepared to answer the President and the Constitution’s call to pass the national budget on time. It is always conscious of its mandate to approve next year’s budget in order not to hamper the delivery of basic services to the Filipino people,” sabi Nograles.

Isinumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buget noong araw din ng kanyang State of the Nation Address (SONA) noong nakaraang Lunes, Hulyo 23.

Kabilang sa mga prayoridad na mapondohan ng Presidente ang mga imprastraktura, social services gaya ng universal health, food security at ang rehabilitasyon ng Marawi.

Ang 2019 budget ay may temang “Building a Bright Future for the Philippines and Its People.” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?