29

Oct 11, 2021 @ 14:29
By

Paghihigpit sa mga bata unti-unting luluwagan

Malaki ang posibilidad na unti-unti ng luluwagan ang mga paghihigpit sa mga bata at payagang makalabas sa holiday season.

Ito ang inihayag ni Dr.Ted Herbosa,Special Adviser ng National Task Force Against COVID-19 sa harap ng dumaraming bilang na ng mga nababakunahang adults sa Metro Manila at sa ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Herbosa , habang tumataas ang vaccination rate sa bansa ay makakasiguro ng proteksiyon ang mga kabataan laban sa COVID-19.

“Hopefully by December puwede ng mamasyal ang mga pamilya and siyempre mag-oobserve pa rin tayo ng mga public health standards,” ani Herbosa.

May pag-aaral aniya ang ilang international organizations na hindi magandang nasa bahay lamang sa matagal na panahon ang mga bata kaya unti-untng luluwagan na ang paghihigpit sa mga kabataan sa bansa.

“Base sa scientific evidence ng UNICEF at iba pang mga organization, nakita na makakasama sa bata yung nasa bahay lang for many years kaya tutungo tayo sa ganyan, unti-unting paluluwagin ang mga restriction sa atin mga kabataan,” dagdag ni Herbosa.

Papayagan na aniya ang karamihan sa mga kabataan na makalabas dahil mataas na ang bilang ng mga nababakunahan bukod pa sa sisimulan na rin ang pagbakuna sa mga kabataan sa October 15.

“Papayagan na ang karamihan ng kabataan lalo na mataas na ang vaccination rates ng mga adult . Dito sa NCR umabot na tayo ng almost 90% ng at least onse dose at 80% ng fully vaccinated. Nationwide naman naka-30% na tayo ng fully vaccinated. Within the next few weeks dahil sa dami ng supply tataas pa tayo to 50%,” wika ni Herbosa.(Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?