100

Apr 10, 2020 @ 19:12
By

Pagharang sa health worker na pupuntang abroad labag sa Konstitusyon – Locsin

Labag umano sa Konstitusyon ang ginawang pagharang sa mga medical worker para makalabas ng bansa, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

“Well they are wrong, dead wrong, and violating the Constitution,” ayon sa tweet ni Locsin.

Sa isa pang tweet ng kalihim, sinabi nito na magiging makatarungan lang umano ang desisyon ito para sa mga health worker kung mababayaran sila tulad ng binabayad sa ibang bansa.

“That only makes sense and justice if we pay them foreign rates and later—this is gonna be my work—negotiate first class work contracts for them because I don’t trust people in the pockets of recruiters. If suspension, we owe departing health workers mucho in Euros,” sabi ni Locsin.

Una pa rito, mariing tinutulan ni Locsin ang naging hakbang na ito para sa mga health worker.

” @dododulay @DFAPHL What is this? Have idiots ever heard of Constitutional right to travel especially to get the hell out of here and get decent jobs and decent pay abroad. Government can ban those whose education it financially supported. Not those who had scraped to pay tuition,” ayon kay Locsin.

Nag-ugat ito sa Resolution No. 09, series of 2020 ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), sinabi rito suspendido muna ang pag-deploy ng mga medical worker sa ibang bansa hangga’t hindi pa natatapos ang national state of emergency, pati na rin ang travel restriction bunsod ng virus outbreak.

Ang nasabing resolusyon ng POEA ay bilang pagsuporta umano sa pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng pag-regulate ng pangingibang-bansa ng mga Pinoy healthcare worker, at magpokus sa national healthcare system ng bansa sa panahon ng state of emergency.

Kasama sa mga pipigilan makaalis ng bansa ay mga medical doctor/physician, nurse, microbiologist, molecular biologist, clinical analyst, respiratory therapist, pharmacist, laboratory technician, x-ray/radiologic technician, nursing assistant/nursing aid, operator ng medical equipment, supervisor ng health services at personal care, repairman ng mga medical-hospital equipment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?