25

By

Pagharang ng DOJ sa pagbiyahe abroad ni Trillanes, binutata ng korte

Sharing is caring!

Tuloy na tuloy na ang pagbiyahe ni Senador Antonio Trillanes IV sa Europe at America ngayong Disyembre hanggang Pebrero 2019.

Ito’y matapos ibasura ni Judge Elmo Alameda ng Makati Regional Trial Court Branch 150 ang motion for reconsideration ng Department of Justice (DOJ) na nagpapabawi sa permiso ng korte noong Nobyembre 29 para sa paglabas ng bansa ni Trillanes.

Sa ruling ni Alameda, pinanindigan ang pananaw nito na hindi “flight risk” si Trillanes at pinaniwalaan ang pangako ng senador na babalik ito sa bansa para harapin ang kinakaharap na kasong rebelyon.

Nagpaalam si Trillanes na makabiyahe sa Netherlands, Spain at United Kingdom sa Disyembre 11 hanggang Enero 11 at sa America sa Enero 27 hanggang Pebrero 10.

Makikipagpulong umano ito sa iba’t ibang samahan at grupo roon.

Pinaglagak naman ng korte si Trillanes ng P200,000 travel bond.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?