16
ABANTE judicial and bar council jbc
By

Paghain ng reklamo sa mga Chief Justice applicant, bukas na sa publiko

Sharing is caring!

Sa halip na public interview, hihilingin Judicial and Bar Council (JBC) ang publiko na kilatisin ang mga nais maging susunod na Chief Justice ng Korte Suprema.

Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary at JBC ex-officio member Menardo Guevarra na sa isinagawang JBC en banc meeting ngayong araw, napagkasunduan nilang ilathala sa mga pahayagan ang pangalan ng limang kandidato sa pagka-punong mahistrado sa Linggo o sa Lunes.

Hinihikayat aniya nila ang publiko na magsumite sa JBC ng kanilang mga komento o reklamo laban sa sinumang aspirante.

Kasama sa mga aplikante sa posisyon sina Supreme Associate Justices Antonio Carpio, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Estela Perlas Bernabe at Andres Reyes Jr..

Muling magpupulong ang JBC sa November 16 para talakayin ang mga matatanggap na reklamo o komento sa bawat chief justice aspirant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?