77

Jun 28, 2019 @ 15:00
By

Paghahati sa Palawan, pinadedeklarang labag sa batas

Dumulog sa Korte Suprema ang isang citizens group para ipadeklarang unconstitutional ang batas na naghahati sa Palawan sa tatlong probinsiya.

Sa 28-pahinang petisyon na pirmado ng mga kinatawan ng Save Palawan Movement, hiniling din ng grupo na mag-isyu ang mataas na korte ng writ of prohibition sa Commission on Elections (Comelec), para magsagawa ng plebisito na magraratipika sa Republic Act No. 11259, ang batas na naglilikha ng tatlong lalawigan ng Palawan sa Mayo 2020.

Pinangalanang respondents ang Comelec, Department of Budget and Management at provincial government ng Palawan.

Giit ni lawyer Grizelda Mayo-Anda, counsel ng mga petitioner, labag sa local government provisions sa Constitution ang batas dahil hindi ito dumaan sa public consultations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?