deadpool2

Paghahari ng ‘Avengers’ sa box office, binura ng ‘Deadpool 2’

Sharing is caring!

Bumenta ng $125 million nitong weekend ang “Deadpool 2” at tinapos ang tatlong linggong pagdomina ng “Avengers: Infinity War” sa North American box office.

Ayon sa Fox, kinapos lang ito sa $130 million na prediksiyon ng kumpanya, sa kabila ng mahigpit nitong kakompetisyon na “Solo: A Star Wars Story”.

Noong nakaraang dalawang taon din ay tumabo ng $132.4 million ang part 1 nito.

Kapwa ito pinagbidahan ni Ryan Reynolds.

Ang estimated ticket sales noong Biyernes hanggang Linggo sa U.S. at Canadian theaters, ayon sa comScore ay “Deadpool 2” ($125 million) at “Avengers: Infinity War” ($28.6 million).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?