63

By

Paghahanda ng PH sa coronavirus iimbestigahan ng Senado

Pinasisiyasat nina Senador Nancy Binay at Joel Villanueva ang banta ng coronavirus na bumabalot sa buong mundo, gayundin ang paghahanda ng gobyerno para matugunan ang problemang ito.

Ang bagong virus, na unang nadiskubre sa Wuhan, China ay kumitil na ng 25 buhay habang 830 na ang naitalang kaso sa China, maging sa iba pang mga bansa.

Sa Senate Resolution No. 2931 na inihain ni Binay, layunin na alamin ang karampatang hakbang at kinakailangang funding requirement para matiyak ang mabilis at epektibong tugon ng pamahalaan sa oras nba kumalat ang virus sa bansa.

“There is a need to determine an emergency response plan in case the outbreak reached Philippine shores and ensure that the Philippine government and its instrumentalities are fully equipped to address the same,” sabi ni Binay sa resolusyon.

Samantala, inihain naman ni Villanueva ang Senate Resolution 291 para alamin ang kahandaan ng bansa sa “detection, prevention, minimization, treatments, and containment measures” ng naturang bagong virus.

“Whereas, measures that must immediately be crafted include stricter health control and screenings at airports and seaports, especially considering the growing number of Chinese tourists and workers in the Philippines,” sabi ni Villanueva sa kanyang resolusyon.

Sabi nito, sa unang walong buwan ng 2018, mahigit 1.2 milyong Chinese tourists ang dumating sa Pilipinas, 20 porsiyentong mas marami kaysa noong 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?