91

Dec 18, 2017 @ 17:26

Paghahanap sa mga nawawala kay ‘Urduja’, ginamitan na ng bulldozers

Gumamit na ng bulldozers ang mga rescuer upang gamitin sa paghuhukay sa mga bundok ng putik na maaaring tumabon sa may 30 katao na nawawala dahil bagyong Urduja na nagresulta ng landslides sa silangang bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa report, nasa 28 na ang patay sa patuloy na pag-uulan dahil sa pagkalunod at pagguho ng lupa.

Karamihan ng mga nasawi ay mula sa Biliran na pinaka-sinalanta ng landslides kung saan maraming bahay ang natabunan.

May hinala naman ang mga rescuer sa posibilidad na patay na ang mga nawawala.

“There is an assumption that the missing are already dead,” ani Sofronio Dacillo, provincial disaster risk reduction and management officer.

Malaki rin ang napinsala ng bagyo sa mga kalsada at tulay sa Biliran kung saan pati linya ng kuryente ay hindi nakaligtas.

Maaaring hindi umano agad maibalik ang supply ng kuryente sa lugar, ayon pa kay Dacillo.

Para umanong katumbas ng dalawang buwan na pag-ulan ang isang araw na ulan sa Biliran kung saan lumambot ang mga lupa kaya’t karamihan sa mga tulay nila ay nasira.

Hindi man malakas ang dalang hangin ng bagyong Urduja subalit dahil sa bagal ng pagkilos nito ay nagbunsod umano ng patuloy na pag-ulan sa mahabang panahon kaya’t binaha ang malaking parte ng lugar.

Inaasahang sa Martes ay lalabas na ng bansa ang bagyong Urduja.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?