19

By

Paghahanap ng parking, gamitan ng mobile apps

Sharing is caring!

Isinusulong ni Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na i-level up ang pagtugon sa isyu ng parking at samahan ito ng “safety and traffic management”.

Inihain ni Herrera-Dy ang House Bill 2263 o ang Car Park Security Act na naglalayong gamitan ng access control at CCTV monitoring ang parking at transport terminals sa mga shopping malls, ospital at campus.

Iginiit ng kongresista na bagama’t mahal at dagdag gastos sa mga mall ang pagpapatayo ng mga gusali bilang parking, kailangan anya ang pasilidad na ito at malaking tulong para magkaroon ng dagdag na kita ang mga establisyimento.

Kung imposible anya ang libreng parking, pwede namang babaan lang ang singil dito at gawing convenient sa mga tao ang paghahanap ng bakanteng mapaparadahan sa pamamagitan nang paggamit ng downloadable mobile applications na makatutulong rin para maiwasan ang traffic sa lugar.

“Such apps can significantly lessen time wasted looking for parking slots, ease traffic congestion at and around parking facilities, and notify parking security of suspicious situations and medical emergencies,” paliwanag ni Herrera-Dy.

Gayundin, sinabi ng kongresista na dapat magkaroon ng kasunduan ang lokal na pulisya, mall security at city o municipal traffic enforcers na panatilihin lamang sa loob ng transport terminals sa mga mall ang mga commuter para hindi sa kalye nag-aabang ng masasakyan ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?