17

Jul 21, 2021 @ 16:15
By

Paghahanap ng langis sa WPS dapat kalkalin – Zarate

Pinaiimbestigahan ng isang solon sa Kongreso ang nakuhang instrumento sa paghahanap ng langis sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Ayon kay House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate maaaring nagsasagawa ng iligal na paghahanap ng langis ang China sa West Philippine Sea (WPS).

Nakuha ng mga mangingisda ang device na tinatawag na ocean bottom seismometer (OBS) sa Zambales.

Sinabi ni Zarate na dapat dagdagan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpapatrolya sa lugar upang mapahinto anumang iligal na ginagawa ng China sa lugar at mabigyan ng proteksyon ang mga mangingisda.

“Aside from harvesting our giant clams and depleting our fisheries resources, this may be the primary reason why China’s coast guard and maritime militia bar Filipino fishermen from fishing in Scarborough shoal. They may be mainly looking for oil in our EEZ,” sabi ni Zarate.

Hindi umano dapat ipagwalang-bahala ng Malacañang ang pangyayaring ito.

“During Pres. Gloria Macapagal-Arroyo’s time China used the Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) to explore our territory to their advantage, now absent that agreement, it seems that they are doing so in the sly. If oil is found in that area then it is ours and it would be a great boost to our country’s battered economy,” dagdag pa ni Zarate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?