8

By

Paghahain ng kandidatura para sa 2019 elections, walang extension – Comelec

Sharing is caring!

Hindi na palalawigin ng Commission on Elections (Comelec) ang panahon ng paghahain ng kandidatura para sa eleksyon sa Mayo 2019.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na walang mabigat na dahilan para rito.

Mula bukas, Lunes, hanggang Miyerkoles na lamang ang paghahain ng certificate of candidacy sa buong kapuluan.

Maraming naghain ng kandidatura sa pagkasenador sa Comelec main office sa Intramuros, Maynila nitong nagdaang Huwebes pero matumal nitong Biyernes.

Sa ngayon, may 37 naghain ng kandidatura sa pagkasenador at 30 party-list group.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?