305

Nov 3, 2017 @ 12:20

Paggunita sa Undas, ‘generally peaceful’ — PNP

“Generally peaceful” ang paggunita sa Undas sa buong bansa.

Ito ang pagtataya ng Philippine National Police (PNP) sa ilang araw nilang pagmomonitor at pagbibigay ng mahigpit na seguridad sa mga sementeryo at iba pang mga matataong lugar sa buong bansa kaugnay sa paggunita sa Undas.

Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Vimelee Madrid, dahil sa mahigpit na seguridad na ipinatupad ng mga ipinakalat na pulis, naging payapa ang selebrasyon ng Undas habang nagpasalamat din ang PNP sa naging kooperasyon ng publiko.

“The whole duration of Undas celebration is generally peaceful with the concerted efforts of all PNP personnel manning the established Assistance Hubs all over the Philippines and likewise the Road Safety Marshals deployed in major thoroughfares leading to cemeteries and to include the bus marshals in every transpo terminals,” sabi ni Madrid.

Pero kahit naging payapa, nakapagtala pa rin ang PNP ng limang insidenteng may kaugnayan sa Undas. Ito ay ang dalawang nakawan, isang alarm and scandal, isang direct assault at alleged attempted rape.

Sa kabuuan 2,532 na mga bawal sa sementeryo ang nakumpiska ng PNP, sa bilang na ito 888 ay mga matatalas na bagay, 153 ay inuming nakakalasing, 1,290 ay mga flammable materials at 21 ay mga playing cards. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?