208

Apr 23, 2019 @ 16:13
By

Pagguho ng supermarket sa Porac, sisiyasatin ng DPWH

Sinusuri na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Chuzon Supermarket para mabatid ang naging kahinaan nito kaya bumagsak matapos yanigin ng lindol.

Ayon kay Secretary Mark Villar sa News To Go, bago pa umano ang gusali ng Chuzon Supermarket kaya kumukuha sila ng mga sample at gagawa ng assessment kung ano ang naging sanhi ng pagguho nito.

Dagdag pa ni Villar, sa lahat ng imprastraktura sa lugar, tanging ang Chuzon Supermarket lang ang gumuho.

Noong Lunes nang yumanig ang 6.1 magnitude na lindol sa Central Luzon na nagresulta ng pagguho ng Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pito katao ang nasawi, 81 ang sugatan habang 24 naman ang nawawala.

Pinaniniwalaan namang na-trap sa Chuzon Supermarket ang karamihan sa mga nawawalang katao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?