94

By ,

Paggiba sa Warriors magiging mahirap sa Raptors

Sa una nitong Finals appearance, inamin ng ilang ace players ng Toronto Raptors na hindi magiging madali na pabagsakin ang isang pader gaya ng Golden State Warriors.

Katatapos lang ng huling light practice ng Raptors bago ang NBA Finals media day sa Miyerkoles (Huwebes sa Pilipinas) habang ang Game 1 naman ng championship round ay sa Huwebes sa gabi (Biyernes sa Pilipinas) sa Scoatiabank Arena.

Ayon kay Raptors guard Danny Green, mukhang madali lang na mapatumba ang Warriors pero mas mahirap ito kapag andun ka na sa gitna ng laban.

Kahit magiging mahirap ito ay gagamitin ng Raptors ang kanilang institutional knowledge bilang kanilang bentahe sa kanilang pagbuo ng game plan sa pagpapabagsak sa two-time defending champions.

“It helps, in terms of knowing how great they are as an offensive team. Sometimes it’s tough when you don’t know, and you just go out there and play with the flow of the game. [Then] they are going to beat you so bad,” sabi ni Serge Ibaka sa panayam ng ESPN.

“The fact we already know how great they are — not good, great — that helps. That helps us to be prepared mentally, and then watch tape to try to figure out what to do.”

Mapapansin na wala pa sa rurok ang Warriors noong Western Conference Finals kontra Portland Trail Blazers pero kakayanin pa rin nito na umariba lalo na sa mga pag-iinit ng mga key player nito na sina Steph Curry, Klay Thompson at Draymond Green — at ito ang kailangan nilang mapigilan.

“Just don’t be lazy against them. The way they play, they try to make you fall asleep out there — and then you see Steph (Curry) out there and he’s going to keep going and then you fall asleep and then he keeps going and gets a wide-open 3,” dagdag ni Ibaka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?