19

By

Paggiba sa Ateneo ni Ahanmisi, sapat para sa UAAP-Player of the Week

Sharing is caring!

Dahil sa impresibong laro sa laban ng Adamson Soaring Falcons sa Ateneo Blue Eagles, si Jerrick Ahanmisi ang napiling kauna-unahang Player of the Week sa UAAP Season 81.

Ito ay matapos niyang binuhat ang Adamson sa pagkapanalo laban sa llamadong Ateneo, 74-70, nitong Linggo.

Nagtala ang 6-footer swing man ng 22 points sa 8-of-16 shooting at four rebounds, at gumawa rin ng pampanalong plays sa dulo na nakapagpaangat sa Soaring Falcons.

Gumawa rin siya ng highlight kung saan pumukol siya ng tres mula sa halfcourt ng maubos na ang oras.

Inungusan ni Ahanmisi para sa weekly award sina UP’s Juan Gomez de Liaño, NU’s Dave Ildefonso, at FEU’s Arvin Tolentino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?