18

By

Paggaya ng Sri Lanka sa drug war ni Duterte, nakakatuwa – Palasyo

Sharing is caring!

Nagagalak ang Malacañang sa pagkopya ng Sri Lanka sa anti-drug war campaign na ipinatutupad sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakakatuwang may mga bansang ginagawang modelo ang anti-drug war ng Duterte administration para malabanan ang problema sa iligal na droga.

Mabuti pa aniya ang ibang bansa dahil napapansin ang ginagawa ng gobyerno hindi tulad ng oposisyon na walang ginawa kundi maghanap ng butas at batuhin ng mga paratang at banat ang administrasyon.

“Siyempre po nagagalak tayo na tinitingnan tayo bilang modelo ng iba pang bansa ‘no. Samantala dito sa Pilipinas, iyong mga oposisyon na mga walang silbi ay hanap ng hanap ng butas, bato nang bato ano.

“Of course, we are that other countries have taken note of our war on drugs, and that they look upon us as best practice on dealing with illegal drugs. So we appreciate that, pero sa ngayon po, wala pa tayong death penalty,” ani Roque.

Ang kaibahan lamang sa anti-drug war na ginagawa ngayon ng Sri Lanka ay pinapatawan ng parusang kamatayan ang mga sangkot sa illegal drug trade sa pamamagitan ng bitay.

Sinabi ni Roque na hindi pa umaabot sa bitay ang ginagawa ng gobyerno dahil walang death penalty sa bansa at ang tanging lumalaban sa sindikato ay ang puwersa ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI).

“Hindi pa naman tayo dumating doon sa punto na binibitay natin sila ‘no. Nandoon pa rin tayo sa punto na talagang ginagamit natin ang kapulisan, ang PDEA at ang NBI, at ginagamit natin ang political will para labanan itong mga nagtutulak ng droga,” dagdag pa ni Roque. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?