44

Nov 6, 2017 @ 16:46
By

Paggamit sa puwesto para sa eleksiyon, itinanggi ni Roque

Itinanggi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naghahanda na siya para sa darating na eleksiyon sa pamamagitan ng paggamit sa kanyang bagong puwesto sa gobyerno.

Sa harap na rin ito ng pahayag ng kalihim na maglilibot ito sa mga lalawigan para ilapit ang Malacañang sa mamamayan.

Sinabi ni Roque na walang basehan ang pahayag ng mga kritiko dahil malayo pa ang eleksiyon.

Kung ayaw aniya ng publiko na bumisita ito sa mga probinsiya ay tatalima ito.

“I don’t think so. There is no — there is no election period yet ‘no. But if the people really don’t want me to go to the provinces, I will heed that. But let’s see how the public will first respond to it,” ang pahayag ni Roque.

Noong Linggo ay nasa Cebu si Roque at nagdaos ng kanyang press conference sa mga mamamayan na nakabase sa Cebu.

Sinabi ng kalihim na sa pakiramdam nito ay nagustuhan ng local media ang inisyatibang pakikipag-usap sa mga ito.

Kasabay nito, nilinaw ni Roque na walang masyadong magiging gastos sa kanyang provincial trips dahil batid niya ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtipid at huwag magwaldas sa pera ng taumbayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?