7

Nov 4, 2020 @ 16:57
By

Paggamit sa anti-insurgency fund sa sinalanta ni ‘Rolly’, OK sa Palasyo

Pabor ang Malacañang sa mungkahing gamitin ang bahagi ng pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga lugar na sinalanta ng Super Typhoon Rolly.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pasok sa layunin ng ELCAC ang mungkahi ni Senadora Risa Hontiveros dahil isa sa mandato ng task force ay magsulong ng mga pagbabago sa mga lugar na pinamumugaran ng mga rebelde.

“I don’t think there is inconsistency with the proposal to actually spend funds in the typhoon damages areas because its a fact that Bicol also is a hot bed for insurgency, so that would be within the mandate of ELCAC,” ani Roque.

Nauna rito, nais ni Hontiveros na gamitin ang bahagi ng P16 billion proposed anti-insurgency fund sa 2021 ng NTF -ELCAC para sa relief at rehabilitation efforts ng gobyerno.

Sinabi ni Roque na ang ugat ng kahirapan ang isa sa mga dahilan kaya may insureksiyon kaya nabuo ang ELCAC para tulungan ang mga rebelde at baguhin ang kanilang buhay.

“The objective of the ELCAC is to promote development in areas with ongoing insurgencies because we know that poverty is the root cause of insurgency,” dagdag ni Roque.

Ang Bicol region ang isa sa matinding sinalanta ng bagyo nitong araw ng Linggo, na isa sa mga lugar na aktibo ang insurgency at natukoy na maraming nakikipaglaban dahil umano sa kahirapan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?