1,104

Jul 22, 2020 @ 18:32
By

Paggamit ng virgin coconut oil sa ilang COVID patient, positibo resulta

Nagpakita ng magandang resulta ang unang clinical trial ng Department of Science and Technology (DOST) sa virgin coconut oil (VCO) bilang supplement sa panggagamot sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña sa Laging Handa press briefing, karamihan daw ng mga pasyente ay nakauwi na.

“The fact na karamihan sa kanila ay naiuwi na ay magandang indication,” ani Dela Peña.

“Pero kahit sila ay nakauwi na, itinutuloy pa rin iyong protocol. Sila ay bibigyan pa rin ng VCO,” dagdag niya.

Isinagawa ang unang pag-aaral sa Sta. Rosa Community Hospital na kinabibilangan ng 45 na pasyenteng may mild symptom ng sakit.

Binigyan sila ng VCO sa loob ng 28 araw matapos kumain.

Gagawin ang ikalawang trial sa Philippine General Hospital na kabibilangan ng may 50 pasyente habang ang ikatlo at huling trial ay mangyayari sa Singapore.

Layon ng pag-aaral na masuri ang posibleng benepisyo ng VCO sa mga pasyenteng may moderate hanggang severe COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?