2

Aug 12, 2020 @ 15:22
By

Paggamit ng militar sa quarantine enforcement, praktikal – Gatchalian

Pabor si Senador Win Gatchalian sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpakalat ng mga military personnel sa mga komunidad para sa pagpapatupad ng quarantine protocol upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

“I agree that we need to mobilize the military in so far as putting more boots on the ground in enforcing the MECQ because if we don’t enforce the MECQ to the letter then it is useless closing the economy and not enforcing it well,” pahayag ni Gatchalian.

“For practical purposes, you really need to have more enforcers on the ground and this is where the military plays a very big role,” dagdag nito.

Sabi ni Gatchalian, wala sihang nakikitang militarisasyon sa kasalukuyang tugon ng gobyerno sa pandema.

Bagama’t maraing opisyal National Task Force against COVID-19 ay mga retiradong military generals, tulad nina chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana, at Interior Secretary Eduardo Ano, hindi aniya ito nangangahulugan na mayroong nang militarisasyon.

“When you say militarization, military nagpapatakbo ng COVID stategy natin pero ‘di naman military nagpapatakbo, ang nagpapatakbo retired generals,” sabi ni Gatchalian.

Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ang High Commissioner for Human Rights ng United Nations hinggil sa “highly militarized response” ng pamahalaan sa mga lumalabag sa quanratine protocols.

Pero giit ni Gatchalian, ang mga enforcer na nakaunipormeng military ay tumutulong lang para sa epektibong pagpapatupad ng protocol.

“Kung mas maraming naka-fatigue on the ground, mas susunod ang tao… Nakita ko na malaking psychological impact ‘yung naka-fatigue at hindi naka-fatigue. In fact, malayo pa lang ang mga tao nagtatakbuhan na, pumapasok na sa loob,” ani Gatchalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?