202

Dec 18, 2018 @ 16:17
By

Paggamit ng medical marijuana, nasa batas na – Sotto

Kinontra ni Senate President Tito Sotto ang mga nananawagan para sa legalisasyon ng paggamit ng marijuana bilang medisina.

Hindi umano ito kailangan dahil pinapayagan na ito ng Section 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isinasaad dito na hindi pipigilan ng gobyerno ang paggamit ng dangerous drugs kung kinakailangan itong gamot.

Bukod dito, may mga inisyunan na umano ang Food and Drug Administration (FDA) na special permit para sa paggamit ng mga gamot na hindi rehistrado kung kailangan ng pasyente.

Hindi lang umano ito alam ng ibang mambabatas dahil kulang pa ito sa information campaign.

“In other words, in the Dangerous Drugs Act, combined with the FDA circular, we have a compassionate use provision. It’s allowed already,” ani Sotto.

Pero diin ni Sotto, wala pang nakakapagpatunay na nakagagamot ng anumang karamdaman ang marijuana.

Sagot ito ni Sotto sa pahayag ni bagong Miss Universe Catriona Gray na pabor ito sa paggamit ng marijuana bilang gamot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?