38

Nov 14, 2021 @ 19:42
By

Paggamit ng face shield, i-depende sa Alert Level – IATF

Inirekomenda umano ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kay Pangulong Rodrigo Duterte na iayon ang pagpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng face shield sa alert level na umiiral sa isang lugar.

“Ang masasabi ko lang ang rekomendasyon ang IATF ay tanggalin ang face shield except dun sa isang partikular alert level at saka may provision doon na local chief executive na pwedeng mag-impose sa certain alert level,” pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año sa panayam ng Dobol B TV.

Hindi pa naman inilahad ng kalihim ang iba pang detalye sa naturang rekomendasyon ng IATF dahil hindi pa naman umano ito inaprubahan ng pangulo.

Sa Lunes umano inaasahan nina Año na ilalabas ni Duterte ang pinal na hatol tungkol sa panuntunan ng pagsusuot ng face shield.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?